Ang buhay Highschool =)

Charmaine Angel Ditangan


 


 

 

 

 

 

 

Sa mga estudyante, gaano kasaya ang highschool life niyo???

 

Paano niyo pinapasaya ang buhay sa highschool???

 

Sa mga nakagraduate na, gaano naging kasaya ang highschool life niyo???

 

Paano niyo pinasaya ang bawat sandali niyo sa sa highschool???

 

Kasing saya ba ng samin???

 

Pare-parehas lang ba tayo ng paraan para sumaya???

 

 

          March 2005, buwan at taon kung kailan gumraduate ang mga musmos at gusgusing bata. Tuwang tuwa dahil naka graduate na pero makakakita ka ng mga nag iiyakan at mga nalulungkot dahil magkakahiwalay na. Pero ang masaklap, pagdating ng bakasayon, nagkakalimutan na.

 

          Bago mag June, lahat ay excited na pumasok- mga Freshmen. Sa unang araw ng klase, pag nagkita-kita na, akala mo ilang taon na hindi nagkita. Pero mamamangha ka dahil halos lahat ay nagbago ang itsura. Mga dalaga’t binata na tignan. Sa mga lalake, makakakita ka ng hairstyle na akala mo kakagising lang, mga nakatirik ang buhok na akala mo’y kinuryente. Bukod dun, meron din isang estudyante na mukhang foreigner na binansagang “import”. Maputi at matangkad sya. Makakakilala ka din ng mga bagong estudyante na akala mo’y matitino pero nasa loob pala ang kulo.

 

          Mahirap din ang adjustment sa highschool. Pag freshmen ka, akala mo hindi ka belong sa society, parang lahat sila galit, parang magiging alipin lang ang mga 1st year. Takot at kaba ang nararamdaman, nanliliit sa mga matatangkad na 4th year students. Pag may nakakasalubong na higher levels, napaka gagalang ng freshmen, animo’y mga anghel.

 

          Sa itsura ay mga dalaga’t binata na tignan, pero sa kilos, parang mga bata pa rin. Pag recess ay naghahabulan, nagtataguan, nagtatawanan, usong-uso pa rin ang bang-sak. Hindi rin nawawala ang paltikan ng panyo at uso pa rin ang jackstone at Chinese garter.

 

          Sa highschool, hindi rin maiiwasan ang magka crush. Meron ngang mga babae na pag dumaan yung crush nila ay parang kiti-kiti kung kiligin at halos maghalupasay na sa tuwa. Meron ding mga grupuhan ng mga magkakaibigan. Nauso ang “honeybears” at “bhezhigirls”. Uso rin ang away sa pagitan ng lalake at babae.

 

          Pinakamasaya ang stage play namin ng Ibong Adarna, proud kami dahil naging maganda at matagumpay ang play namin. Hiyang hiya kami nung nagpeperform kami. Kasi baka mag kumento ng hindi maganda ang mga higher levels tungkol sa play namin. Kabado talaga kami lahat nun. Kahit mga baguhan pa lamang kami ay nagawa namin ang aming makakaya para maging maganda ang play namin. Maging ang aming mga guro ay natuwa sa amin.

         

 

                                     

Buhay sophomore naman. May dalawang bagong estudyante, pero kung ituring naman namin ay parang mga old students na. meron nga, first week of classes absent agad (oopps!). Dahil iyon sa bulutong. Sumikat si Mark Gene (Marky) bilang si Papa Bear simula pa nung first year dahil kila ate Yannah na may crush sakanya. Ang gwapo daw kasi. Siya ang papa ng higher levels. Kamukha daw siya ni kuya Guillier. Dun din nauso ang “The Three Little Pigs” na version ni Marky.

 

          Dito na nauso ang barahan at ang pang shashamone nila Bobby. Ang pangshashamone ay ang pagpahid ng hintuturo sa ilong ng kung sinu-sino. Malas mo lang pag may sipon yung nashamone mo (eeewww…). Dito din sumibol ang isyu sa Muriatic Acid. Ang dakilang panakot. Madalas nasa faculty room ang 2nd year girls dahil sa kung anu-anong isyu. Pero ang pinakamasaklap na nangyari noon ay nung Foundation Day, cheering competition kulelat ang sophomores, pang 4th. Proud pa yung announcer na 4th kami. Parang nang-iinsulto lang siya. Pero nakabawi naman kami sa play namin dahil tulad ng dati, maganda ang kinalabasan ng play namin na “Florante at Laura”. Marami man ang mga lines na nakalimutan, tuloy-tuloy pa rin ang eksena, hindi naman alam ng mga nanunuod na kulang yung mga lines na binanggit ng character. Natuwa din samin ang guro namin sa Filipino kahit may mga konting kapalpakan.

 

 

 

        Juniors!


          Eto ang pinaka excited na year. Simula pa lamang ng school year, pinag uusapan na agad ang J.S. Prom, lalo na ang girls. Naging mas excited din nung binanggit ni Mrs. Villa na bawat level ay bubuo ng banda at tutugtog sa Foundation Day. Lilitaw na ang mga nagyayabang dahil magagaling sila tumugtog, iniisip nila na walang makakatalo sakanila. May mga napipikon at ayaw din magpatalo kaya gagalingan pa nila. May advantage din pala ang pagyayabang. Pero wag na tayo sa usapang payabangan. Dito sa batch na ito may nag-away na magkaibigan dahil “daw” mas priority pa nung girl ang boyfriend niya kaysa sa mga friends niya. Eh yung boyfriend niya daw kaya siyang saktan at iwan, pero kaming mga kaibigan niya, hindi. Naging malaking isyu yun samin. Oh, san ka pa? blind item ito! Wag na nga iyan!


       

        Dito sumikat ang pagka “Cream-o”holic namin. Laging may Cream-o at Tempura, may C2 pa. solb na kami! Happy na. May magdadala ng Cream-O (ako yun!), at Tempura, ipagpapasa-pasahan na iyon. Mag sisimula ang pasahan sa likod, kasi nandoon ang source ng pagkain. Malas nga yung mga nasa unahan kasi madalas sila nauubusan. Pero merong mga naaawa, hinahatian nalang yung iba. Ok na. Ganyan ang foodtrip namin, Masaya. Nag eenjoy na kami doon.

       

        Ang nakakainis daw ay yung usapan sa color ng gown sa J.S. Prom – ang pinaka magulong usapan. Cinnamon o salmon pink? Salmon pink o cinnamon? Kahit ano pa yan, basta makapag J.S.. Kahit nagtalo-talo, pagdating naman ng J.S. Prom, pare-pareho din ang kulay, coincidence. First time mag J.S. kaya kabado, pero masaya. Nung nag lights off na, kanya-kanya nang ayaan ng makakasayaw. Ang sweet nung iba, yung iba tawanan lang. Nag-iba na ng music, naging lively na ang sayawan, kami naman, kahit mga naka high heels, sayaw pa din. Masaya naman. Meron pang mga nagtanggal ng sandals para lang makasayaw ng todo, mga hyper kasi. Yung iba naman kawawa, kasi inaasahan nila na isasayaw sila ng crush nila, kaso dinededma lang sila ng crush nila. Ouch un ah. Ayun, umuwi silang bigo.

 

        About dun sa Foundation Day namin, successful naman at masaya. Mejo nailang lang kami nung tumutugtog, kasi bago palang para samin yung mga kanta, almost 1 month lang kami nakapag practice at masyado kaming mahiyain. Pero marami namang natuwa samin. First time nagkaroon ng culminating night or sabihin na nating musical presentation sa school namin. Kaya nagtatampo yung mga nakaraang batch, kasi wala silang ganun. Kawawa naman sila.

 

         Naging medyo embarrassing lang ang play namin nitong year na ito. Kulang kulang kasi. Kulang sa practice, kulang sa characters at kulang pa sa props. Mejo pumalpak, pero isa daw sa pinakamaganda ang play namin. Nagkulang din kasi kami sa pagseseryoso. Masyado kaming nagpabanjing banjing. Ayun. Yun tuloy kinalabasan. Basta yun na yun.

 

 

 

        Yes! Graduating na kami!

        Masaya na pero pressured, kasi baka hindi pa makagraduate lahat. Pero ang maganda sa amin ay nagtutulungan kami. Pag meron kaming kaklase na babagsak na, tinutulungan namin siya. Walang iwanan. Ganyan ang friendship namin.

 

        Malungkot lang this year kasi nagdalawang section pa, hindi na pinagsama-sama, sayang talaga, bawal magprotesta. (joke lang). Nakakalungkot na rin isipin na gagraduate na kami kasi magkakahiwa-hiwalay na. Pero dapat paghandaan na ang college life at tanggapin na kailangan iwanan ang isa’t-isa. Dapat na talaga magpakasaya ngayon, eto ang pinakamamimiss namin sa college.

       

                  (masyado na palang senti)

       

        Ang masayang part dito ay kahit na may mga problema, hindi pa rin nawawala samin ang pagiging masayahin. Para pa rin kaming mga bata, lalo na pag sumumpong ang kaharutan ni Aubrey, Arroeld at Ian, lahat nahahawa. Walang araw na malungkot ang lahat, ang malungkot pinapalayas. =)

 

        Hay! BOARDWORK!

                  Yan ang salita na pag binanggit ni Sir. Mar ay magkakagulo na lahat. Pag partners, si Ginily at Aubrey ang pinakasikat. Sila daw ang pinakamagaling sa klase(naks). Sila ang pinaka excited magboardwork. Favorite nila iyon. Si Aubrey ang estudyanteng nagwawala pag hindi nakasagot at pag mali ang sagot niya. Bongga! Nabago na ang sistema ng boardwork, boys vs. girls na. Mas exciting at mas challenging. Pero lagi pa rin nananalo ang girls-magagaling kami eh. Kinausap na nga kami ni Sir. Mar na pagbigyan na daw namin ang boys Kahit minsan lang. pinagbigyan naman namin. Mahal namin sila eh.

 

        Masaya ang section namin dahil sa mga kalokohan namin. Nagkakaisa kami at lahat kami sumasaya. Isa sa mga trip namin sa classroom ay yung soundtrip. Pag walang teacher, hihiram na ng cassette, magpapatugtog na. may sasayaw, may kakanta. Hindi lang puro girls ang nagkakasaya, pati boys ay sumasali sa kasiyahan namin.

 

        Kung usapang showbiz, merong mga artista sa amin, ang pinaka sikat ay si Echo at si Hurt (Heart). Ang mag-asawang magkaaway. Nandito rin ang Taguro Brothers, nakakatuwa. Nasa section din namin si Betty La Fea at ang kapatid niya na si Bea Alonzo. Hindi rin magpapatalo si Gladys sa SK Chairman. Meron din namang mga artista na minsan lang lumitaw, tulad ni Aubrey Miles at Angel Locsin. Sa section namin kayo makakakilala ng Koreanong matalino at nag kuKung-Fu. Abah, wag niyo siya aawayin, makukung-fu kayo nun. Hindi talaga magpapahuli ang pambato ng Portugal na si Athan,na mas kilala bilang “black mamba” at iba-iba ang kulay ng medyas araw-araw. Siya na ata ang estudyanteng hindi napipikon. Kahit ang dami ng nang-aasar sakanya at lagi siyang pinagtitripan, hindi siya nagagalit. Matibay.

       

        Pag-usapan naman natin ang mga maraming kaibigan at ang mga loner. Pag recess, makikita mo ang mga friendly na nasa labas at nakikipagtawanan, masaya, maraming kausap at gala ng gala. Para ngang napaka laki ng DGA para galain ng galain. Pero hindi naman nagsasawa ang mga estudyante magpabalik balik. Pag tinignan mo naman ang view sa loob ng room, makakakita ka ng mga nakatungo at walang kausap-LONER! Akala mo problemado pero yun pala tulog na. kilalang kilala na samin kung sino ang laging tulog. Secret nalang ng section namin yon. Pero merong estudyanteng nakakatuwa, kasi dahil wala siyang permanenteng kaibigan na kasama, araw-araw ay iba-iba ang kasama niya. Masyado lang siguro siyang friendly. Merong ibang naiinis kasi feeling close daw. (pagtyagaan niyo na)

       

 

        Eto!

        Ang pinaka gusto ni Sir. Andaya sa lahat. Bakit pag nagrereview ang mga estudyante ay nakakatuwa sila tignan?! Sa batch lang namin ‘to. O sige, ikekwento ko.

 

        Pag may exam kasi kami, makikita mo ang mga estudyante na napaka sisipag mag-aral. May makikita ka na magkaharap at nagtatanungan, mga nasa sulok at nakatakip ang tenga, merong nasa upuan lang at nakataas ang paa, may nakapikit, may nakabukaka, may nakahilata, may nakasalampak, may nakahiga sa table, may kumakain, may nagsisigawan, may nagpapaturo, at kung anu-ano pa. kahit ano pa ang pwesto, lahat ay maingay pa rin. Pag dumaan ka sa harap ng classroom namin na ganon kaming lahat, iisipin mo na may mga nasasapian samin, dahil sobrang ingay. Hindi mo maiisip na nagrereview ang mga tao sa loob. Ganyan ang senaryo sa classroom namin pag malapit na magexam, ung tipong last minute before the exam, ganon.

       

        Pero bakit nga ba ganon ang mga estudyante? Mas may papasok ba sa utak nila pag nakataas ang paa nila? Siguro mas makakapag-aral ang estudyante pag comfortable siya sa position niya, kaya kung anu-ano nalang ang pwesto nila. Nakakatuwa nga naman.

 

        Pag usapang sayawan, maraming dancer sa batch namin, girls palang magagaling na. Pero ang naging idol ay si Archie na magaling gumiling. Hiyang-hiya siya pero flattered kasi maraming humahanga sakanya. Ikaw ba naman gumiling mag-isa sa gitna ng stage, tignan natin kung walang humanga sayo. Speaking of gilingan, mabagling din sa pag giling si Arroeld at Ian, mga idol eh!

 

        “Hala lagot tayo kay Sir. Mar! hindi maayos exercise natin! Wala nanaman tayong Math!”

        Yan ang sinasabi ng mga 4th year tuwing Monday pag hindi sila nakapag exercise ng ayos sa stage. Naging malaking isyu samin yon. Kasi pag hindi inayusan, walang Math. Naku po! Ang hirap kaya pag walang math. Dahil sa laging napapalabas, ang creativity at talent ng mga boys ay lumalabas. Ang gagaling pala nila sumayaw. Kahit pala puro kalokohan alam nila, maaasahan din pala sila. Nice one! Crush ko na kayo!

 

        Sa kantahan naman, maraming songbirds, magagaling sila, idagdag mo pa si Arroeld at Ian na laging nakanta. Pero infairness, pag kumanta kaming magkakaklase, para kaming choir. Pero wala kaming balak may choir, parang lang naman yung pagiging choir namin.

 

        Ok, boring na ba ang topic?

 

        Habang nag-iisip ako…

 

        Eto ang vocabulary words ng 4th year:

1.    Harhar-  pag hindi nagustuhan ung joke / Corny!

2.    Greko- yung bagong guard! Itago na natin sa pangalang Richard!

3.    Psssss- pambabara

4.    Wowowee- guard na nakasalamin at nagyoyosi (pero wala na sya ngayon)

5.    Ano yun may tumutunog?- time na!

6.    Wag nga kayong maingay!- linya ni Regine

7.    Jho!- babaeng ma-hhmmm…..

8.    Booommmm!!- pag may napapahiya

9.    ‘te Becca!- sinasabi ng estudyante pag bibili. (lahat ng estudyante sinasabi yan.)

10.Ge ingat! – pambabara

 

 

          STOP!!!

 

          “Kainan na!!!”

 

          Favorite yan ng lahat. Recess at lunch ang favorite subject ng maraming estudyante. Ano nga bang luto ni Ate Becca ang favorite ng mga estudyante?! Pag recess, nandyan ang pancit, maraconi (macaroni), sopas, fried rice, champorado, lumpiang gulay, hotdog, burger at supreme. Madalas na pinaka mabenta ay ang burger at maraconi. Sa lunch naman, ang mga ulam ay porkchop, fried chicken, tinola, sinigang, yung iba hindi ko alam ang tawag. Nung nag-iba na ng nagluluto samin, dumami ang options ng ulam. Dalawa na ang pagpipiliang ulam pag tanghali. Meron ng giniling, menudo, caldereta, porkchop na niluto sa mang tomas at kung anu-ano pa. Meron ngang mga nagrereklamo na nataba na daw sila kakakain. Aba hindi na kasalanan ng school kung tumaba ang mga estudyante. Masyado lang silang nasasarapan sa mga luto. Diba?



          Nagugutom na ako!

 

          ……………………………………………………………

 



                    Walang Klase!!!

 

                   Favorite talaga ng estudyante ang walang klase, pero gusto rin ng estudyante magklase kung interesante at hindi boring ang isang subject. Ang mga may ayaw sa isang subject, lagi mong makikitang tulog pag oras ng klase, at kailangan sumigaw ng teacher para magising ang estudyanteng iyon.

         

          Pag mga buwan ng July at August, masaya ang ibang estudyante, dahil halos walang klase, puro practice para sa interprivate. Sa section namin, laging may nagpopogs pag walang klase. Yan ang libangan samin. Akalain mong pati sa 4th year uso pa rin ang pogs. Akala ko sa mga bata lang iyon. Tuwang tuwa naman sila sa pagpopogs.

 

          Talented nga daw ang batch namin eh. Maraming marunong sa instruments, singing, dancing and acting. Kanya-kanyang trip sa buhay. At ishinishare yun sa mga hindi marunong. Kaso pag mga usapang buwan ng wika, parang wala na ang batch namin dun. Sa mga balagtasan, pakikipagtalastasan, deklamasyon, wala nun sa batch namin. Wala kami masyadong talent sa ganon. Pag elimination, eliminated agad. Pagsasabihan kami ng adviser namin, bakit daw wala man lang napasama sa batch namin. Pero pag mga musical na at play, marami samin ang mahilig sa ganon. Yun kasi ang mga bagay na ikina eenjoy namin. Pagdating naman sa larangan ng sports, volleyball, basketball, chess, table tennis, badminton, at sepak, marami ang marunong samin, at hindi lang marunong, magaling pa. Meron din namang mga estudyante na para sa jackstone, Chinese garter, luksong baka, piko, sipa at kung anu-ano pa. depende sa trip ng estudyante. Basta maging masaya lang.

 

          Pag nasa classroom lang kami at walang teacher, nagkakantahan lang kami. Nanghihiram kami ng guitara o kaya nang cassette, basta lang may magamit sa pagkanta. Minsan nga ang trip namin ay magcompose ng mga kanta na tungkol sa kaklase namin. Ang saya talaga.



          Syempre hindi mawawala ang foodtrip samin. Kettlecorn ang madalas kainin kasi yun lang ang masarap-sarap na tindang junk food ni Ate Becca. Sambutan ang madalas laruin pag kinakain ang kettlecorn. Masaya na kami sa buong araw pag nakapag foodtrip na kami. Pero habang tumatagal, dumadami na ang foods ni ate Becca. May magdadala ng maraming pagkain, pasa-pasahan nalang. Malas mo pag naubusan ka. Pag merong inilabas na pagkain, una-unahan na sa pagkuha, kaya dapat listo at mabilis ka, kundi, wala kang makakain.

 

          Sana nga ganito pa rin kasaya sa college. Masaya ang highschool, at ito ang pinaka masayang stage. Halos lahat ng kasiyahan ay mararanasan. Kaya kung nasa Highschool stage ka ngayon, mag pakasaya ka lang, mamimiss mo yan! (^^,)

 

 

 

 

 

Oopps!!

 

 

Hindi pa tapos!!!

 

 

Tuloy lang sa pagbasa…

 

 

         

          Kung mga problema naman ang pag-uusapan, parang ayoko i-open. Pero sige na rin. Anu-ano nga ba ang mga problema na nakakaharap ng buhay estudyante sa highschool? hindi lang ng 4th year students. Commonly, problem sa academics and lovelife. Hindi na kasi masyadong malala ang tampong kaibigan, para kasing pang pre-school lang yun. Pero sa batch namin, merong nag away ng matagal. Nung una, ang dahilan daw ay si girl ay mas pinapriority pa si boyfriend kaysa kila friends. Pero naayos din naman yun, nagkabati sila, pero nag away naman uli sila, at ang itinuturong dahilan ay ang subject na “Trigonometry”. Hindi namin sure kung yun nga iyon pero sabi nila yun daw. Malaking problema kasi samin ang academics, lalo na pag inaasahan mo sa sarili mo na may award ka, konting baba lang ng grade mo, parang ikakamatay mo na. Ganun talaga. Pero mas marami ang problemado about sa love. Nandyan ang selos at break-up. Hindi alam kung paano makakamove-on, lalo na pag nakikita mo lagi yung taong yun. Sabi nga ng iba, huwag pilitin kung ayaw. Kung hindi ka na mahal, wag mo na ipagpilitan pa ang sarili mo. Actually puro basics lang naman ang mga problema sa highschool. Ayoko na i-elaborate ang mga problema, nakakalungkot lang yun.

 

          Merong parte ng 4th year life namin ang hindi namin makakalimutan.

 

          Mejo naging malungkot ito dahil sa isang isyu na muntik nang ikasira ng section namin. Ang isyu ng nakawan. Friendship ng dalawang magkaibigan ang nasira dahil doon. Nagkagalit, nagkasiraan(daw), hindi nagpansinan at nagkalayuan ng loob. Tumagal siguro iyon ng isang buwan. Pati ang mga guro at magulang ay nadamay-damay na. May mga magulang na nagpunta para makausap ang mga estudyante at guro. Nahirapan na ang mga guro sa paglutas, hanggang sa dumating ang araw ng pag aayos. Pinapunta ang IV-Molave sa Elementary Department para makipag usap. Naglabas ng mga hinanain at sama ng loob. Ang iba ay nag payo na magbati-bati na. Humingi ang isang estudyante ng oras para saming magkakaklase lamang. At dun na nagkaayos ayos. Nagkahingian na ng tawad at naging ok na ang lahat. Happy na ulit!

 

          Kahit na nabawasan kami ng isa, hindi pa rin namin siya makakalimutan dahil kapatid na namin siya at marami nang magagandang nangyari samin. Hindi naman agad mawawala yun nang dahil lang sa isang isyu. Kasi matibay ang samahan namin. Kahit na hindi maiiwasan ang mag tampuhan, maaayos pa rin iyon. At dahil sa nangyari, lalong tumibay ang samahan at pagmamahalan naming magkakaklase.

 

          Naging aral na sa amin ang maging mapagpatawad, tumanggap ng kamalian at mahalin ang isa’t-isa.

 

          Sana hanggang pagtanda ay dala namin ang mga ganitong ugali. Malaki ang maitutulong nito sa pag unlad ng personalidad ng bawat isa. Sabi nga ni Sir. Mar, mas maganda kung makapag pagraduate sila ng estudyante na may magandang pag uugali kaysa naman puro matatalino pero masasama ang ugali. Aanhin mo nga naman ang talino kung walang taong may gusto sayo. Hindi lamang kahihiyan ng eskwelahan kung ang mga estudyante ay may magagaspang na ugali, kahihiyan din ito sa sarili at sa mga taong makakasalamuha mo sa susunod na chapter ng buhay mo. Ano nalang ang sasabihin sayo ng tao kung hindi maganda ang ugali mo? Pati magulang mo ay masisira.

 

 

          CUT!!!

 

          Masyado nang madrama.

 

          Isingit ko lang yung tungkol sa JS Prom namin at stage play. Ehem! Samin, hindi na big deal ang JS prom, hindi na kami masyadong excited tulad ng last year. January na nga wala pa kaming napag uusapang kulay ng gown. Pero napag isip din namin na kailangan na namin maghanda. Nag isip at nagprepare na kami para sa serenade, special number at kung anu-ano pa. kailangan daw kasi maging maganda at kakaiba kami para maalala kami ng iba, ung tipong sasabihin nila na “ay oo sila yung batch na gumawa nun!” oh diba? Ang saya ng feeling ng ganun.

 

          Sa stage play, seryoso talaga. Si Ma’am Pantoja kasi ang teacher, hindi pwedeng pabanjing banjing. You have to do your responsibility. Lahat dapat may gagawin, mahirap magloko. Pero masaya naman ang play. Astig. Sineryoso na din namin kasi last na play na namin ito  sa Dei Gracia Academy.

 

          Teka! Finale na ba? Hindi pa! gusto niyo na ba agad matapos???

 

          Yung sa Foundation Day pala namin. Muntik ko na makalimutan. Pinaka masaya naming presentation yun, kasi lahat talaga nagparticipate, walang mga masyadong pasaway. Ang saya namin habang binubuo yung presentation. Kahit puro kalokohan kami, natapos namin yun at ayos naman ang kinalabasan. Ang galling sumayaw ng mga boys, ang marami silang mga ideas na nakakatulong para mapaganda ang presentation. Ayos nga. Napakita namin ang maturity ng pagiging 4th year.

 

          …………………………………………………………

 

          Pag-usapan naman natin yung mejo exciting na part ng highschool life. Ewan ko kung exciting yun para sainyo, pero sa iba, oo! May idea na ba kayo? O sige na nga. About lang naman sa love! Kung paano ba naiinlove ang isang highschool student. Ehem! Ehem!

 

          Actually, and honestly, masaya mainlove, diba? Sa highschool ka unang matututong umibig, yung tipong handa ka na magparamdam at magpakita ng pagmamahal mo sa isang tao. Simula palang 1st year, may mga naiinlove na, may nagkakaboyfriend na. wag na kayo magtaka kung bakit. Ang saya kasi ng feeling na may nagkecare sayo, nakakakilig kaya yun! Feeling mo lagi kang safe, at nagiging inspirasyon sa mga ginagawa mo. Andito na sa stage na ito yung may mga tawagan na, katulad ng “labs”, “mahal”, “hon”, “baby”, at kung anu-ano pa. Hay! Masarap nga mainlove, pero pag nasaktan naman, ang sakit. Pero ganun talaga, hindi lang puro sarap. Oh! Walang mag-iisip ng masama dun sa sarap na yun ha! Jho! Behave!

 

          Nakakatuwa ang isang estudyante pag nainlove, lalo na ang babae. Lagi nang nagpapaganda, nagpapacute, nagpapapansin, kilig na kilig pag andyan na yung love nila. Sa totoo lang, uso PDA, diba? (Bato bato sa langit, matamaa’y wag magagalit!). meron pa walang pakielam kahit may teacher na padaan daan, go go go parin sila, sabagay nag-uusap lang naman, wala naman ginagawang masama. Pero meron talagang isang babae samin na kahit anung pagpapapansin ang gawin niya, hindi siya pinapansin ng boys, iniiwasan pa siya. Boys, ayaw niyo ba  yun, babae na nga lumalapit ayaw niyo pa! Ano bang mali kay Jonelle? Ay lagot nadulas! Sorry Jho!

 

          Mas nakakatuwa pala ang boys. Kasi nagiging makatha talaga sila, nagiging magaling sa lahat ng larangan. Meron pa ngang kataga na sinabi ang isa naming mang-iibig, “ang pag-ibig ko’y parang talaba, patay na’y kumakapit pa!” bangis! Mas maganda mag express ng love ang boys, mas feel na feel. Ang sweet kaya ng mga boys pag nainlove na. Lagi narin silang feeling gwapo, ay gwapo pala!

 

          Pero promise, ang saya talaga mainlove at magkacrush, kaso kailangan mo masaktan. Sabi nga nila, kung hindi ka masasaktan, hindi mo malalaman na nagmamahal ka. Ganun daw talaga pagdating sa pag-ibig. Naging makasalanan din ang ibang estudyante dahil sa pagmamahal. Paano? Naglihim sila sa mga parents sila na may boyfriend/girlfriend sila. Diba tama? Yung iba lang naman, hindi ko naman nilalahat. Yung ibang parents kasi strict. Speaking of parents, meron akong kilala na ipinagduduldulan na yung anak niya sa isang boy, botong boto yung parents, gutong guto yung boy para sa anak niya, kaso ang masaklap, yung boy yung may ayaw! Ay nakakaloka! Parang si ano yun ah.

 

          Pero infairness, nakakakunchaba din pala ang mga teachers. Pero depende din. Pati teachers kasi nagiging happy sa mga love team sa school. Siguro naaalala nila yung kabataan nila nung sila’y naiinlove pa. uuyy!! Yung mga time na kinikilig pa sila. Kaya now, sa mga love team sa school, kinikilig din sila. Pero hindi naman nila talaga kinukunsinte, parang for fun lang. Pero sabi nga nila, dapat alam ng parents, tsaka bawal PDA sa school, at dapat alam ang limitations. Naks! Napaka thoughtful ng teachers! Yes!

 

          Tungkol naman sa academics ang pag-usapan natin. Ano ba ang quality ng edukasyon sa Dei Gracia Academy? Kung ako ang tatanungin, masasabi ko na high quality. Bakit? Kasi, sa academics palang, maganda na ang turo. Meron ngang mga lesson na naituro na samin pero hindi pa naituturo sa ibang school. Diba sosyal kami? At saka pag nagtuturo ang mga teachers, inaalam nila kung lahat ng estudyante ay nakakaintindi bago sila magturo ng bagong lesson. Kung usapang values naman, marami kang mapupulot dito.  Speaking of values, naalala ko, pinaka malaking isyu is about kalinisan. Hindi magsisimula ang teacher sa pagtuturo pag may nakikita pa siyang kalat. Naalala ko, nagtataka kami kung bakit hindi pa nagsisimula sa pagdidiscuss ang teacher, yun pala may kalat pa. ayun natututo na tuloy kami. Sabi nga ni Sir. Mar, inaasahan niya na magiging malinis na kami kasi nung may competition ng “most prettiest and cleanest classroom”, nag first kami.

 

          Ngayong 4th year na kami, sinasabi nila na mahigpit na daw ang labanan sa grades dahil naghahabol for valedictorian at salutatorian. Pero samin naman, healthy competition. Nagtutulungan kami para umangat, hindi kami naghihilahan pababa. Pero meron din siguro na ayaw tumulong sa iba dahil ayaw niya mataasan siya. Meron bang ganon? Wala naman siguro. Mababait kami eh.

Pero kahit nagtutulungan, hindi pa rin mawawala yung konting competition, kasi nga naman, malaking achievement pag napasama ka sa mga may honor. Pero, ayon sa mga nangyayari samin, wala pa namang nag-aaway ng dahil lang sa grades. Kasi itinatak na samin ng mga teachers na dapat ay maging healthy competition at hindi dapat maapektuhan ang friendship ng bawat isa. Yun yung isa sa mga values na itinuro samin ng mga teacher.

 

Basta basta,

we love Highschool life very much!!!

 

 

 

 

          Usapang teacher naman tayo…

 

        Sino ba ang makakalimot sa teacher na mukhang terror? At nabansagan ngang terror?! Kung hindi mo siya kilala, hindi ka naghighschool sa Dei Gracia, o kaya’y ngayong 2008 ka lang pumasok ng DGA, o kaya naman ay hindi mo talaga siya kilala. Kung hindi mo siya kilala, hindi ko alam kung malas ka o swerte ka.

 

          O sige na, siya si Carlo Victorio L. Galag. Siya yung tipo ng teacher na pag isusulat ang pangalan niya, dapat ay buo. Mahal nya daw kasi ang pangalan nya, pangalang henyo. Mabait at palabiro ang teacher na ito. Napakatalino rin, ang mga tanong mo magkakaroon ng kasagutan. Kahit anong subject kaya nyang ituro- all around!

 

          Pero marami daw ang naiinis sakanya dahil masyado “daw” pakielamero, sabi nila. Napaka strikto nga niya at masyadong disciplinarian. Siya yung klase ng tao na “mabait kung sa mabait, pero masama kung magalit”.

          (Subject: Science, Biology, Chemistry, Physics)

 

          Abah, sino din ba ang hindi makakaalala sa teacher na hindi mo makikita na walang gel. Kung wala syang gel, nakasumbrero sya. Matangkad sya at magaling sa sports. Siya ay walang iba kundi si Mr. Mar Sta. Maria. Mabait pero strict.

 

          May pagka perfectionist. Kasi pag may pinapagawa sya samin, sinasabi nya na hanggat maaari ay almost perfect ang gawa. Sounds encouraging kasi alam mo na malaki ang tiwala sayo ng teacher mo. Mathematics talaga ang tinuturo ni Sir, pero ngayon, napilitan syang magturo ng Physics. Pag si Sir. Mar na ang nagtuturo, walang inaantok samin. Good adviser si Sir. Mar. Pag may kailangan ka or problema, pwede ka lumapit kay Sir para humingi na advices, kasi he will give time for you talaga. Sabi nga ni Sir, kahit may importante siyang ginagawa, basta may lumapit sa kanyang estudyante para magtanong, ititigil niya yung ginagawa niya para makausap niya ang estudyante. Lalong lalo na kung sa academics. Dahil importante talaga ang academics. Pag may problema ka na related sa numbers, kay sir Mar ka lumapit.

 

           Pwede rin maging values teacher si sir dahil sa mga pangaral niya samin na talagang kinapupulutan ng aral. Mahal ka po namin Sir!

                             (Subject: Mathematics/Physics)

 

          Next!

 

          Ang teacher na naka assign sa Scouting activities. Ang highschool Coordinator at ang laging adviser ng 4th year. Mr. Walter Chester Andaya. Nakilala bilang “Sir. A.” sosyal pakinggan. Mabait at laging nagbibiro sa klase. Maraming kwento yan si Sir. Kaso, ang problema, maraming inaantok sa klase nya. At hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit.

 

          History! History! History! Marami nga ba ang ayaw sa history? Bakit? Dahil ba puro memorizations? Ay naku! Basta si Sir. Andaya laging kapakanan ng iba ang iniisip, kung ano yung makabubuti sa isang tao. Naks naman! Pag may student na nagkaka problema sa grades, kinakausap agad ni Sir para mag-aral mabuti- concern! Saludo ako sa inyo Sir!

                             (Subject: History/Economics)

 

          Eto naman, ang mahal naming teacher sa T.L.E.. Magaling na teacher siya kasi ang mga tinuturo niya ay base sa mga experiences niya, kahit wala na siyang librong dala ay nakakapagturo pa rin siya ng ayos. Tulad nalang ng pagluluto, dahil isa siyang may bahay, marunong siya at iyon ang tinuturo niya samin.

 

          Siya ay si Mrs. Genalyn Sta. Maria. Ang asawa ni Mr. Mar Sta. Maria. Si Mam Gen ay teacher na namin simula pa elementary, at H.E.L.E. (T.L.E.) ang itinuturo niyang subject. Masayahing tao sa Mam at lagi siyang naka make-up pag magtuturo. Syempre kailangan beautiful. Noon ay lagi siyang naiirita sa kaklase naming si Arroeld dahil sa matapang na amoy ng pabango niya. Buntis kasi nun si Mam Gen kaya madaling mairita. Pero kahit nagagalit si Mam ay ayos lang samin.

 

          Malungkot nga lang dahil at the month of July, year 2008, umalis na siya ng Dei Gracia para magtrabaho sa ibang bansa. Malungkot kaming lahat dahil napamahal na talaga kami kay Mam. We love you Mam!  

                                       (Subject: T.L.E. / T.H.E.)

          Ang susunod naman ay ang teacher na hindi ko akalain na masarap pala kasama. Pag nakita mo kasi siya ay mukha siyang strict. Pag nagtuturo na, lahat ay tahimik, makakapag salita lang kami pag tinatanong na. Ganon kami sa classroom last years. Pero nung nag 4th year na kami, nagbago ng konti. Nakikipag biruan na kami sakanya at narealize namin na mabait pala talaga siya at pala ngiti din.



        Siya ay walang iba kundi si Mrs. Maila N. Pantoja, ang aming OIC Principal. Ang kaisa-isang teacher sa Highschool Department na may salamin. Dati, umaga palang, nose bleed na kami dahil sa English. Hindi pa kami masyadong nakikipagbiruan kay mam noon kaya napaka seryoso ng klase namin, yung tipong maluluha na kami sa kakatitig kay Mam at sa board. As in walang nagrereact.

 

          Pero nung 4th year na, hindi na ganon. Halos lagi nang Masaya sa klase. Hindi na kami nanonose bleed sa English, pero sa Fililpino na kami nanonose bleed, dahil sa mga malalalim na salita. Hindi namin alam kung bakit Filipino na ang subject na itinuturo niya, pero ayos na rin yun kaysa sa English.

 

          Pag pala nakasama si Mam Pantoja ay Masaya rin. Tulad one time, nagpunta kami ng Imus para sa isang  competition, hindi siya kasing seryoso tulad sa classroom, pala biro siya at matatawa ka din sa tawa niya. Ganon pala si Mam. Narealize ko lang yun nung 4th year kami.

Mamimiss namin ang lagi niyang pag eenglish.

                                      (Subject: English / Filipino)

 

          Meron kami naging teacher sa Biology na hindi tumagal samin. Isang taon lang siya nagturo. Mabait naman siyang teacher at close sa mga estudyante niya, palabiro din siya. Siya ay si Ms. Marinessa Barbuco. Madalas maging masaya ang mga kaklase namin noon kasi madalas umabsent dahil malapit na ang kasal niya noon. Nagkekwento pa nga siya samin ng mga naging problema niya. Ang pinaka naenjoy namin sa mga naituro niya ay yung pagdadisect ng palaka at ang genetics. Hindi ko makakalimutan ang “punnet square”. Kung tutuusin, magaling naman siya magturo, at madami siyang naishishare sa klase namin about sa life niya nung college pa siya, na naiapply namin lalo na sa mga reporting namin at sa mga activities na ginawa namin.

                                                (Subject: Biology)

 

          Sino daw ba ang pinaka magandang teacher? No comment. Maganda naman silang lahat. May kumakalat na balita noon na ang pinaka maganda daw ay si Ms. Eliza Rivera. Oh diba? Magaling siya magturo. Hindi siya nantotolerate ng estudyante. Strikta pero masaya kasama.



          Sabi ng ibang year level, kay Mam Rivera daw Nauso yung “ang isda ay hindi hayop” oh talaga? Kelan pa? nakakamangha. Anyway, wag na nga yun. Sincere magturo si Mam. Napaka tiyaga niya sa pagtatapos ng aming play, Kahit na napaka kulit namin. May times na nagwowalk-out siya, pero mamaya ay babalik din. Siya ang nagturo samin na magpaka seryoso sa play namin. Dahil sakanya, naging maganda ito. Hindi niya kami iniiwan, Kahit na sabihin niya na kami na dapat ang bahala sa play namin, tinutulungan pa rin niya kami pag nahihirapan na kami.

         

          Isa siya sa mga teacher na hindi ko makakalimutan, kasi dati ay kasama namin sya pag nagtutoothbrush kami after lunch. Nag aagawan sa toothpaste at una-unahan sa pagmumog. Para namin siyang tropa sa labas ng room, pero syempre pag nasa loob na ng classroom, estudyante niya talaga kami. Gets?

                                                (Subject: Filipino)

         

          Naalala ko yung naging teacher namin sa computer ata yun at journalism. Dalaga at magandang teacher siya. 2nd year namin siya naging teacher. Kapatid pala siya ng isa naming kabatch.

 

          Actually, at first, may problem sakanya yung mga estudyante, kasi mejo may speech defect. Pero ayos din. Palangiti siya sa klase kaso laging galit. Syempre, sino ba naman ang hindi magagalit sa ugali namin. Sobrang ingay namin pag klase niya. Pero may natututunan din naman kami sakanya Kahit papaano. Siya si Ms. Glaiza Agtang.

                                   (Subject: Journalism/Computer)

         

          Teka, baka makalimutan ko yung favorite teacher namin nung 1st year kami. Maganda at sexy siya, mabait din at masayahin. Madalas siya magpatawa sa klase kaya hindi ka maboboring sakanya. Siya ay si Ms. Marissa Perez. Siya rin yung tipo ng teacher na “mabait kung mabait pero masama pag nagalit”. As in lagi siyang nagpapatawa, may mga kalokohan din, pero pag kami ang hindi gumawa ng maganda, magagalit talaga siya samin.

                                                (Subject: Journalism)

 

          Siya naman ang pinaka mabait at pinaka mapagbigay na teacher sa lahat. Magrequest ka lang, pagbibigyan ka na agad. Meron din naman kaming natututunan, pero, halos walang klase. Mas gusto niya makipagbonding sa mga estudyante. Siya si Mr. Denis Destura.



          Laging masaya ang klase ng Journalism. Lalabas kami para mag-interview, syempre may kasama nang gala yun. Masaya at kalog kasama si Sir. Masyado nga lang mahina ang boses. Pero mapagtyatyagaan na din.

                                                (Subject: Journalism)



          Sino nga ba yung teacher na kamag-anak ni Jonathan? Ah! Si ano! Mejo may pagka masungit din minsan, kaso hindi namin siya nakasama ng matagal kaya hindi namin siya masyadong nakilala. Siya yung teacher namin sa English nung first year palang kami.

 

          Hindi ata siya nagbibiro sa klase. Masyado siyang seryoso. Kaya masyado kaming natututo. Tama ba? Masyadong madetalye magturo, kaso minsan nakaka antok kasi masyadong seryoso sa loob ng room. Pero kung tutuusin, mabait din naman siya pagdating sa mga projects. Siya si Ms. Cherile Quintanilla.

                                                (Subject: English)

          Isa sa mga hindi ko rin makakalimutang teacher sa highschool ay yung teacher namin sa T.H.E. nung 1st year din. Maganda siya. Oo maganda. Tapos maganda din. Ay! Mabait naman siya. Makulit pag nasa klase. Nakikipagbiruan sa estudyante. Pero may mga times na kailangan niya magpagalit ng mga estudyante.

 

          Siya si Mrs. Christina Breboneria-Lacsamana. Naging masungit siya samin kasi nung teacher namin siya, buntis siya, kaya mejo sensitive. Pero ayos lang, naiintindihan naman namin yun.

 

          Pagdating sa love, mabait siya. Tumutulong siya sa estudyante. Laging nangungumusta. Ang hindi ko makakalimutan sakanya ay ang kanyang magagandang ngiti.

                                                (Subject: T.H.E/T.L.E)

 

          Meron kaming teacher na kinatakutan nung 3rd year ata kami. Yung nagturo ng computer namin. Terror na nga yung teacher, pati yung topic namin eh terror din. Ang topic kasi namin ay yung flowchart, nakakaloka yun, pati teacher kakaloka. Nagalit pa nga yun kay Chung eh. As in galit na galit. Ang dami dami pang isinumbat samin. Mejo naoffend kasi siya nung may kinausap si Chung habang nagdidiscuss siya. Ayun nagalit. Simula nun kinatakutan na namin siya. Siya ay si Mrs. Estabaya.

                                                (Subject: Computer)

 

          Dito sa susunod na teacher na ito, napatunayan namin ang sobrang kakulitan naming mga highschool students. Kasi umalis siya ng highschool department dahil sa kakulitan namin.

 

          Siya yung may asawang forenjer, ay foreigner pala. Mabait naman siya samin. Pala bati at hindi suplada. Hindi lang talaga siguro kinaya powers namin. Ayun, umalis tuloy siya. Pumunta na siya ng Elementary Department at dun na siya nagturo. Siya ay si Mrs. Husbands.

                                                (Subject: Computer)

 

          Kilala niyo ba yung teacher na sobrang liit ng boses? Parang ipis. Ang cute kasi ng boses niya, pero pag sumigaw, malakas. Kaso laging napapaos.

 

          Disciplinarian siya at strikto sa pagtuturo. Kailangan sundin ang mga batas niya sa loob ng room. Pero close siya sa mga estudyante. Nagoopen siya about sa life niya, at nagbibigay siya ng mga payo sa estudyante.

 

          Siya si Ms. Aiza Villanueva. Isang taon lang siya nagturo sa D.G.A. . After nun, nag abroad na siya. Mas masaya siguro siya doon. Bago siya umalis, sinabi niya na naging masaya siya kasama kami, at hindi niya kami makakalimutan.

                                                (Subject: Journalism)

 

          Meron kaming naging teacher na sobrang bait. As in talaga. Yung minsan kakaawaan mo na dahil inaabuso na siya ng mga estudyante sa sobrang kabaitan. Pag nag request ka, go agad siya.

 

          Pero talented siya pagdating sa music. Ang galing talaga. Hanga ako sa kanya. Ang dami talagang matututunan sakanya about music. Siya ay walang iba kundi si Mr. Rosauro Barcelo. Napaka haba ng pasensya niya sa mga estudyante. Minsan nakakakonsensya yung pag alis alis sa klase pag nandun siya sa loob ng room. Ayos lang kasi sakanya Kahit lumabas ka. As in ang bait talaga.

                                          (Subject: MAPEH-CAT)

 

          Natatawa ako sa teacher na ‘to. Kasi sa tuwing makikita mo siya, laging nakangunot ang noo, laging nangangasim ang mukha. Nakakatuwa siya tignan. Pag papasok siya ng classroom, lagi siyang ganon. Hindi namin alam ang problema niya. Tinatanong naman namin, wala lang daw.

 

          Nakakatuwa din siya kasama kasi lokaret. Maharot din. Siya si Mr. Jovilou Deguma. Dalaga pa kasi, kaya kung kumilos, ka-age lang namin. Ang nakakatuwa pa sakanya, lahat ng jokes namin tinatawanan niya, Kahit korni. Kaso bago matapos ang school year, umalis na siya. Napa deport ata, balik sa Mindanao.

                                                (Subject: T.L.E.)

 

          Loka Loka! Yun lang ang masasabi ko sa teacher na ito. Siya yung tipo ng teacher na biglang tumatawa sa klase. Kaloka siya. Promise. Ang dami niyang joke na sineshare araw-araw. At lahat korni.

 

          Pero infairness, nakakatuwa siyang teacher. Siya yung teacher na gusto bigyan ng sakit sa puso ang estudyante. Ung tahimik naman kami, tapos bigla siyang sisigaw ng malakas na parang lalake. Nakakagulat talaga. Parang aatakihin kami sa puso dahil sakanya. Pero nakakatuwa talaga siya kasama. Nagiging masaya siya sa panlalait ng ibang tao. Siya ay walang iba kundi si Ms. Enguerra.

                                                (Subject: English)

 

          Nagkaroon kami ng isang confusing na teacher. Nakakaconfuse kasi yung mga itinuturo niya samin. Ang gulo-gulo. Hindi namin alam kung nakanino ang deperensya, samin ba o sakanya? O baka nasanay lang kami sa turo ng ibang teacher. Masyado kasing madetalye mga tinuturo niya. Tapos yung way niya yung dapat naming sundin. Pag hindi namin yun sinunod or hindi eksakto mga sagot namin, mali na. aw!

 

          Ilang months lang siya nagturo. Hindi namin siya naka close kasi hindi masyadong malapit ang loob niya sa mga estudyante. Kapatid siya ni Mrs. Sta Maria. Siya ay si Ms. Genevil Baylosis.

                                                (Subject: Physics)

 

 

 

 

 

 

PAUNAWA!! BABALA!! =)

 

        Siguro ay napapansin ninyo na ang haba ng istorya ng buhay sa 4th year. Yun ay dahil 4th year days ko ginawa ito. Flash back nalang yung 1st year hanggang 3rd year. Mejo nahirapan ako kasi hindi na fresh sa utak ko yung mga nangyari simula 1st year. Mga highlights lang yung mababasa ninyo. Pero may sense pa rin naman diba?

 

       Tsaka ayos naman na ang 4th year days ang pinaka detailed. Kasi yun yung pinaka memorable, pinaka masaya, at hindi talaga namin makakalimutan yun. Iba kasi ang experiences pag 4th year highschool na. promise!

 

        Kalimitan, pag 4th year mo lang marearealize yung kahalagahan ng bawat subjects. Dun mo lang makikilala ng husto yung mga teachers, nun mo lang sila makakasundo. Yung tipong nakikipagtawanan at nakikipagbiruan ng husto, di tulad nung lower years.

 

        Actually, hindi madali ang gumawa ng ganito. Infairness! Nakakaloka man, nakaka enjoy din. I really had fun with this. Hindi pangkaraniwang experience to for me. Wala ako masyadong hilig magbasa ng books. Honestly, naging hate ko ang English at Filipino dahil sa mga binabasa. Para kasi sakin, nakakaboring. Pero nung nainspired ako na gumawa ng ganito, go go go na. Nung una, inisip ko imposible ko ‘to matapos. Minsan lang kasi ako magka idea. Pero nung natapos ko, tuwang tuwa ako, di ako makapaniwala!

 

        Hindi lang kasi ito basta basta kwento. Sa dami ng nangyari sa amin, ang dami nang mapupulot na aral. And sana maging inspirasyon kami sa ibang tao. And sa mga babasa nito, sana maging inspirasyon ang kwento namin sa buhay niyo.

 

        Gusto lang namin maibahagi sainyo yung masasayang nangyari sa amin, at iba’t ibang bagay na natutunan namin nung kami’y highschool. Totoo nga ang sabi nila na, ang highschool ang pinaka masayang stage ng pag-aaral. Andun ang lahat ng saya, lahat ng kalokohan, katuwaan, at kung anu-ano pa.

 

        Marami mang drama sa buhay, life must go on! There’s always light behind . . .  ano yun? Nakalimutan ko. Tagalong na nga lang. Sa mga kalungkutan at kadiliman ng buhay, laging merong liwanag at pag-asa para sa bawat isa. Yes! Makatha! Pwede na ba?

 

        Sa dami na ng aming natutunan, yung mga problemang na-eencounter namin inside the room, minsan hindi na namin dinadamdam ng husto. No more tears! Ang kailangan naman kasi, intindihin yung sinasabi ng teachers, wag na haluan pa ng kaartehan. Peace! Minsan tinatawanan nalang namin Kahit deep inside nakabaon na yun samin at alam naming kailangan baguhin.

 

        Well, marami talagang naging aral ang pagiging highschool. Simula palang ng unang tumungtong ng highschool, I mean, simula palang nung first year, there were so many lessons na magagather. Nakakatuwa.

 

 

 

 

            I want to introduce yung mga taong nagkaroon ng halaga sakin at naging malaking part ng personal life ko. Sila yung mga hindi ko talaga makakalimutang tao bukod sa pamilya ko. Syempre una yung family ko, kasi hindi nila ko iniwan at pinabayaan Kahit may mga downs ako, tinulungan at tinanggap pa rin nila ako.

 

Ø  Sir Mar Sta. Maria. – siya kasi yung teacher na sobrang nagpahalaga sa pagkatao ko, hindi lang ako kundi ng iba pa. Para sakin talaga, kakaiba siya. Pag lumapit ka sakanya, hindi mo mafifeel na nareject ka. Yung mga pangaral niya, iba yung tama. Minsan pag naaalala ko yung mga pangaral ni sir, naiiyak ako, at narerealize ko yung mga mali. Siya yung naging pangalawang tatay ko. Ang gaan gaan talaga ng loob ko kay sir. Ang dami dami kong natutunan sakanya, sobra. Hindi lang academically, pati sa personal na buhay may mga naitulong siya sakin. Naiintindihan niya ako, yung nararamdaman ko, at hindi siya nangungunsinte. Siya kasi yung pag nilapitan mo, handa talagang making sayo at handa kang intindihin.

 

Ø  Sis Aubrey Rose Vinzon- ang pinaka maganda at pinaka sexy kong sis. Nung lumipat ako ng D.G.A. , nung nakita ko siya at si Karen, sabi ko sa sarili ko, kakaibiganin ko sila. Kasi that time wala pa akong friends. Nung nag attempt ako makipagfriends sakanila, hindi nila ako nireject, at tinanggap nila ako. Nung highschool, mas naging close kami ni Aubrey. 3rd year highschool, magkatabi kami ng upuan, magkasama sa saya at sa lungkot, magkaramay sa lahat ng bagay at hindi nag iiwanan. Naging isang malaking pagsisi sakin yung time na nasabihan ko siya ng hindi maganda, na naging dahilan ng tampuhan namin. Hindi ako naging maingat sa mga salita ko. Kahit nung time na nagtampuhan kami, hindi pa rin siya tumigil sa pagpaparamdam na mahalaga pa rin ako sakanya. Nung nagkabati kami, naging aral na sakin ang lahat. Na mahalaga ang pagpapahalaga. Ano daw? Oo nalang. Naging sobrang halaga sakin ni sis. Hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ako as sis niya. Simula nung naging mag-sis kami, wala nang iwanan. Mas minahal pa namin ang isa’t-isa, magkasundo sa mga kalokohan at lagi kaming masaya. Sa mga gala, pag hindi ako kasama, hindi din siya kasama, pag di siya kasama, hindi din ako kasama, magkapatid eh. Kahit sa klase tulungan kami, hindi kami nagiiwanan sa ere. Mahal na mahal namin isa’t-isa. Kahit pa mag college kami, wala pa ring kalimutan. Siya lang kasi nagparamdam sakin ng ganung pagmamahal sa lahat ng kaibigan ko, higit pa sa kaibigan, higit pa sa kapatid. Ni minsan hindi siya gumawa ng alam niyang makakasama sakin. Lagi niya akong tinutulungan. Malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng ganong kaibigan. Sa lahat ng sinabi ko sakanya, wala pang kumakalat na sikreto ko, talagang mapagkakatiwalaan siya. At pag kasama ko siya, hindi ako nalulungkot, lagi kaming masaya. Pagdating naman sa mga problems, maaasahan din siya, lagi siyang andyan sa tabi ko para dumamay sakin. Hinding hindi ko talaga makakalimutan ang sis ko.

 

Ø  Archie Feranil- siya yung tinuring kong pinsan nung 2nd year kami. Kasi sa pagkaka alam ko talaga, magkamag-anak ang Ditangan ata o Escobido at Feranil, sabi ni papa. Pero ayaw niya tanggapin na magkamag-anak kami nun. Nun lang kami naging close ni chie. Nung 3rd year kami, nag away kami, hindi namin alam kung bakit. Basta hindi na kami nagpansinan nun. Nung January na, nagbati kami dahil kay sis ko, pinagbati niya kami. Ayun naging close na ulet kami hanggang mag 4th year. Infairness naging crush ko siya nung 3rd year, kaso ano, oo nalang. Sobrang napamahal talaga sya sakin simula nung magbati kami nung 3rd year, at kung bakit, secret ko na yun, basta naging mahalaga siya sakin. Siya yung laging nagpapasaya sakin. Pag nakikita niya kong malungkot, lalapit siya sakin, kakausapin niya ako. Siya lang nakakapagpasaya sakin bukod sa sis ko. Kahit nagkaroon ng problema, hindi siya nagbago, hindi pa rin niya ko kinakalimutan (sana), andyan pa rin siya, masaya pa rin. Sabi niya noon, para daw ba siyang clown, kasi makikita ko palang siya napapangiti na ako, ewan ko kung bakit. Dati pinagdasal ko din na sana hindi talaga kami magkamag-anak, kasi tinamaan ako, si Cupido kasi! Siya talaga may kasalanan ng lahat. Ayos naman, happy naman, pero it still ends. Naks ang drama! Pero nung mga last months ng 4th year life namin, hindi kami nagpapansinan, pero February, nagka ayos kami. Ang saya, kasi atleast before gumraduate may ganung nangyari. Hindi ko talaga siya makakalimutan. Nung simula palang, naging mabuting kaibigan na siya sakin. Siya ang special friend ko! Friend to the highest level.

 

Ø  Ginily Fandida-  siya yung paglumalapit ako eh niyayakap ko agad. Hindi ko alam kung bakit ko siya gusto yakapin. Malaki ang naitulong niya sakin, lalong lalo na sa academics. Mayabang pero mabait. Pag may problem ka sa academics, pwede ka lumapit sakanya para magpaturo, kaso nung 4th year, mas inaasikaso niya si Pigon kaysa samin na nagpapaturo sakanya. Lagi namin siyang niloloko ni sis, pero hindi siya napipikon samin, masaya din siya kasama, kaso laging nambuburaot. Siya yung naturingang “giraffe” sa klase namin. (Peace tayo Gini!) Hindi rin siya nauubusan ng payo sa mga problema, kaso mas marami siyang payong puro kalokohan. Ayun!

 

Ø  Karen Bernadette Peñalba-  siya yung katuwang ko pagdating sa mga presentations. Magkasama kami sa hirap at ginahawa. Hirap sa mga ideas at pag gawa ng steps, at ginhawa pag natapos na yung presentation. Naging ka-close ko siya simula palang grade 6, ang bait kasi. Nung nagka problema ako nung 4th year, siya yung lagi kong nakakatext at laging dumadamay sakin. Ang dami dami niyang natutulong at naipapayo. Alam niya yung nararamdaman ko, kasi naranasan na niya yun. Basta ang laki ng natulong niya sakin, Kahit habang may problema ako, o nung nalampasan ko yung problema, andyan pa rin siya para sakin. Nagtutulungan kami kasi magkamag anak yung problema namin. Napaka maunawain ni kayen. Ang harot harot pa. Kakaiba si yen. I will treasure her.

 

Ø  Regine Veronica Tayag

Ø  Angelica Obera

Ø  Jonelle Nellas

 

 

 

 

All about me…

(parang friendster lang ah)

 

            I am Charmaine Angel Ditangan. 16 years old (nung ginagawa ito). I was born on November 28, 1992 , 4:29am at University Medical Center, Dasmariñas Cavite, in short, UMC. Meron akong magulang, malamang. Sila ay sina Mr. and Mrs. Ditangan, at ang kapatid ko ay si Mr. Ditangan. Ang pangalan ng nanay at tatay ko ay… Myrna Ditangan at Angeles Ditangan. Ang kuya ko naman, Christian Ditangan. Hindi ko masyadong alam ang history ng pangalan ko, pero ang alam ko, kaya daw angel, kasi inisip nila na magiging mukhang anghel daw ako, at mag uugaling anghel, kaso, sa kasamaang palad, nagkamali sila. Kawawa naman ako.

 

            Ok, wala naman ito masyadong kinalaman sa pinaka personal life ko. Ang all about me na ito ay yung mga naranasan ko sa highschool. Ok?

 

            Masasabi ko talaga na masaya and naging challenging ang buhay highschool ko. Ang dami kong naranasang kakaiba. Sa stage ng highschool ka talaga sasaya, kasi matututo ka ng mga kalokohan na nakakapagpasaya, pero yung mga kalokohan na iyon ay hindi naman yung mga grabe, yung for fun lang talaga. Andito kasi yung pagkakaisa ng buong klase sa katuwaan, wala namang KJ. Kasi sumasaya naman lahat.

 

            Pag first year palang, andun lahat ng curiosity. Puro questions. Sa curiosity na yun, ang daming temptations. Parang may bumubulong sayo na “sige gawin mo yan. Gawin mo ‘to”, hindi naman maiiwasan yun, at alam ko lahat ng estudyante nararanasan yun.

 

            Sakin, pinaka masaklap ang 1st year life ko. Dun ako nagkasala ng malaki. Dahil dun sa kasalanan na yun, pati studies ko naapektuhan, lalo na math ko. Grabe, first time sa buong buhay ko magkaroon ng ganun kababang grade. 80 ata yun o 79, basta, first time in history nangyari sakin yun. Naging pabaya ako, pumangit tuloy record ko. Kaya I hate my first year days.

 

            Nung 2nd year, pinilit ko talaga makabawi. Nagsikap ako, kasi ayoko na maging embarrassing pa yung 2nd year life ko. Nagpatulong ako sa mga classmates ko at tinanggal ko muna ang kalokohan para lang makabawi. And thank God, kase ang ganda ng grades ko nun. Naging bronze medallion pa ako. Nung 1st year kasi nawalan ako ng award. Tuwang-tuwa ako nun kasi talagang masasabi ko na nakabawi ako.

 

            Neutral naman lahat nung 3rd year. Nung una, nagpabanjing banjing, pero nung mga 3rd quarter na, habol uli. Nung nalaman ko nung 3rd qtr na nanganganib ang grades ko at dapat ibawi ng 4th qtr, nagpursigi pa ako lalo. Kaso sobrang hirap, lalo na math. Proving banaman, ang hirap talaga ng proving, hindi ko maintindihan. Sa lahat ng nadiscuss namin sa proving, siguro 40% lang ang naintindihan at natutunan ko. Ang gulo kasi, yung mga reasons, nakakalito, ang dami. Sa exam, pag proving, 4 points lang ako, 2 points sa given at 2 points sa conclusion. Ganun ako naloka sa proving. Kakahiya. Pero ayos lang, nakaraos na naman dun eh. Aspiring student ako nung 3rd year. Mejo naging failure yun sakin, kasi from bronze medallion, naging aspiring student. Hay!

 

            Masaya ang buhay 4th year ko pagdating sa academics, lalo na sa Math. I love Math nung 4th year, algebra and trigonometry. Sobrang naintindihan ko bawat lesson. Sabi ni sir, ang math daw, every year pahirap ng pahirap. Pag 1st year madali, tapos pag nasa 4th year na, sobrang hirap na daw ang math. Kaso sakin, baliktad. Nadalian ako sa math namin ng 4th year. Ewan ko ba, open na open yung isip ko pagdating sa math. Isa pang nagbago sakin nung 4th year ay yung isip ko about history. Kasi weakness ko talaga ang history, elementary palang, hate ko na yun. Pero nagbago yun nung 4th year. Maganda ang record ng grades ko pagdating sa economics. And I’m proud of myself, kasi yung mga weaknesses ko ng past years, naging strength ko nung 4th year. Ang naging weakness ko lang nung 4th year ay Filipino. Masyado kasing panghots yung mga tanong ni Ma’am Pantoja lalo na sa El Filibusterismo. Nakakaloka! Kailangan mo talaga intindihin lahat, hindi lang basta basa. Pag basa lang, halos hindi ka makakasagot sa mga tanong ni Ma’am. Kailangan talaga ng analysis sa bawat kabanata para makasagot ka sa mga tanong. Pero maganda naman ang flow ng grades ko ng 4th year. Hindi lang sa academics, kasi nung interprivate sportsfest, nagchampion ako sa Chess. Lumaban kami sa District Meet, at nakapasok ako para sa lalaban ng WCSU Meet. Natuwa talaga ako, hindi ko akalain na madadala ako ng chess sa ganong stage. Minahal ko na ang chess nun. Pero nung natalo na ako sa chess nung WCSU Meet, hindi ko na ulit pinangarap magchess, kasi concentrate muna sa academics. Isa pang kakaiba ay yung competition ng choir, yung musical. Interprivate din, tapos West Cavite, at umabot pa kami ng Provincial, at nagchampion. Hindi man ako talagang kasama dun, pero I’m proud na tumugtog ako dun. Malaking tulong na yun sa presentation. Kung walang accompaniment, hindi sila mananalo. Kakaibang experience yun samin, exposure eh.

 

            Naging maganda din ang quiz bee sakin. Every year may award ako dun. I love participating sa iba’t-ibang curriculum. Unang una, exposure, tsaka may dagdag grades din kasi yun. Exposure, kasi nadedevelop yung self-confidence mo. Kaya hanggat maaari, pag may pwedeng salihan, sali agad.

 

            About sa lovelife, ayos naman. Hindi ko alam kung paano ko ieexplain, basta! Alam niyo naman yun, nakita niyo! Ganun ako magmahal! Dito ako sa stage na ito natutong magmahal.

 

            Masasabi ko talaga na naging maganda ang buhay ko sa Highschool. Salamat sa Dei Gracia Academy, at sa mga taong nakilala ko.

 

 

DGA?

 

It’s more than

a place to me!

It reminds me

of a place of activities,

fun and friendship!
but did you know


what’s the best part

that happened

when I was there?

.

.

.

Dito kita nakilala!

 

 

 

 

Message to all…

 

Sa lahat, thank you very much sa mga naging role niyo sa life ko.

Hindi biro lahat ng mga pinagsamahan natin, lahat yun mahalaga sakin, lahat may naging lesson sakin.

Hindi ko talaga makakalimutan ang Dei Gracia days ko.

Sana maging inspirasyon pa rin kayo sa ibang tao.

Pahalagahan niyo ang bawat taong nakikilala niyo, hindi natin alam baka may purpose kung bakit tayo nakakakilala ng mga ganung tao.

Basta stay happy!

“Live life to the fullest!”

 

Dei Gracia days are big part of my life!

 

Sana mapuno ng blessings ang life niyo! I will pray for you all!!!

 

“Dei Gracia days are happy days, joy meet joy in many ways

And you will never ever disagree, that the best school of all… is Dei Gracia!”

 

“Some people come into our lives and quickly go.  Some stay for a while, leave footprints on our hearts, and we are never, ever the same.”